
Kinampihan ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang pag walk out ng Senate Minority sa plenary session.
Ito ay bilang pagkontra sa isinusulong ng Senate majority bloc na payagan ang online participation at remote voting ng mga huwes na senador sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Para kay Tinio, pinakita na naman ng pro-Duterte majority bloc na handa silang dalhin sa kangkungan ang Senado para lang patuloy na kanlungin at bigyan ng special treatment, kasama ang right to vote online, ang kanilang kapwa senador na wanted.
Diin pa ni Tinio, prerogative din ng minorya sa Senado na gamitin ang pagkwestyon ng quorum upang pigilan ang railroading na nais isagawa ng mayorya.
Facebook Comments










