
Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng epekto ng habagat na palalakasin ng Bagyong Domeng.
Ayon sa DSWD, hindi inaasahang magla-landfall sa Pilipinas ang bagyo ngunit inaasahang palalakasin nito ang habagat na maaaring magdulot ng malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong weekend.
Samantala, tiniyak ng ahensiya na nakaposisyon na ang mga relief goods at naka-alerto ang mga field office para sa agarang pagtugon sa mga maaapektuhang komunidad.
As of May 29, nasa higit ₱49 million na na mga food at non-food items kasama na dito ang standby fund ang inilaan ng ahensiya.
Pinapayuhan din ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.










