NUMBER 5 MOST WANTED PERSON SA ALAMINOS CITY NA MAY PATONG PATONG NA KASO, ARESTADO

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang panglima sa mga most wanted person sa Alaminos City na nahaharap sa patong patong na kaso.
Ang akusado ay kinilalang si Norman De Guzman residente ng Brgy. San Jose sa nasabing lungsod.
Inaresto ito sa bisa ng Warrant of arrest na inilabas na may petsang January 23, 2024, kung saan ay nahaharap ito sa 2 counts ng Lascivious Conduct, 3 counts ng Rape and Other Sexual Abuse.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng PNPang order mula sa korte kung kailan ito ituturn-over sa BJMP lalo na at walang piyansa ang mga kaso nitong 3 counts ng panggagahasa.
Facebook Comments