MAS MALAMIG NA PANAHON BUNSOD NG NORTHEAST MONSOON, ASAHAN PA; SAN NICOLAS, PANGASINAN, NAITALA ANG 12°C

Asahan pa ang mas malamig na panahon na mararanasan sa mga susunod na araw bunsod ng umiiral na Northeast Monsoon o ang Hanging Amihan.
Sa bayan ng San Nicolas, bumaba pa sa 12°C ang naitalang temperatura kahapon lamang, Jan. 27 at inaasahang mararamdaman pa ang mas malamig na klima sa nasabing bayan.
Matatandaan na noon ding Jan. 17, naitala sa lalawigan ng Pangasinan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan ang pinakamababang temperaturang umiral kung saan nasa 20.5°C na sinundan pa ng 21.5 °C noong January 14.

Samantala, inaasahang hanggang sa buwan ng Pebrero Magtatagal ang naturang klima sa probinsya habang ilang bahagi pa ng bansa ang posible ring makaranas ng pag-ulan. |ifmnews
Facebook Comments