Nurse, Patay nang bumaligtad ang Sinasakyang Ambulansya

90

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang nurse na sakay ng bumaligtad na ambulansya kaninang umaga sa Peñablanca, Cagayan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Peñablanca Police Station, nagmula sa pa sa bayan ng San Pablo sa Isabela ang ambulansya sakay ang biktima na si Elizabeth Damil ng Tuguegarao City.

Bigla nalang sumabog ang isang sa harapan ng sasakyan ng makarating sila sa daan na sakop ng Barangay Camasi.


Hindi na nagawa pang makontrol ng drayber ng ambulansya na si Jojo Pacheco ang kanyang manibela kaya’t bumaligtad ito hanggang sa naipit ang nurse dahilan naman ng kanyang pagkamatay.

Nagpaalala naman ang pulisya sa mga motorista na ugaliing suriin ang mga sasakyan upang masigurong ligtas itong ibiyahe.

Facebook Comments