Arestado ang isang 39-anyos na technician matapos mahuli sa Urdaneta City, Pangasinan noong Abril 17, 2026.
Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek na residente ng Zambales.
Inaresto ito ng mga tauhan ng Urdaneta City Police Station sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng limang bilang ng kasong Qualified Theft.
Batay sa rekord, may kaukulang piyansang itinakda na umabot sa ₱158,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang nasabing indibidwal para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










