LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAG-AMOK AT TANGKAHING SAKSAKIN ANG KAPATID SA TAYUG

Arestado ang isang lalaki matapos umanong mag-amok at tinangkang saksakin ang nakababatang kapatid sa Brgy. Agno, Tayug noong Miyerkules, Abril 22, 2026.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang insidente sa isang mainit na pagtatalo ng suspek at ng biktima na kapwa residente ng lugar.

Nauwi ito sa suntukan at naawat ng kanilang ama.

Sa kabila nito, umuwi ang biktima ngunit sumunod umano ang suspek na may hawak nang kutsilyo at pwersahang pinasok ang bahay ng biktima at tinangka itong saksakin.

Nagawang manlaban ng biktima at napigilan ang suspek.

Gayunman, muling itong nagwala sa labas at sinipa pa ang isang lalaki bago muling naawat ng mga kapitbahay.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at dinala sa ospital ang suspek para sa medikal na pagsusuri bago itinurn-over sa himpilan ng pulisya.

Inihahanda naman ang kasong attempted homicide laban sa suspek.

Facebook Comments