
Ipinag-utos ni Health Sec. Ted Herbosa ang pagsuri sa dugo ng mga residenteng mahigit isang linggo nang exposed sa nasusunog na landfill sa Navotas.
Pinapayuhan din ni Herbosa ang mga apektadong residente na uminom palagi ng tubig para hindi dumikit sa kanilang dugo ang kemikal.
Ayon kay Herbosa, bibigyan din nila ng mental at psychosocial support ang mga residenteng inilikas dahil apektado na aniya ang psychosocial well-being ng mga ito.
Nagbabala si Herbosa na matatagalan pa bago maapula ang sunog sa landfill dahil dalawang isla ang apektado nito.
Facebook Comments










