Thursday, April 23, 2026

π—•π—œπ—‘π—”π—§π—”π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—›π—”π—¦π—”, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—•π—˜π—‘π—œπ—§π—’ π—¦π—’π—Ÿπ—œπ—©π—˜π—‘

Cauayan City β€” Nahuli ng mga awtoridad ang isang lalakinh nahaharap sa dalawang bilang ng kasong panggagahasa, sa isinagawang operasyon sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na β€œJude,” 33-anyos, binata at magsasaka, residente ng Brgy. Villaluz sa nasabing Bayan, at itinuturing bilang Top 3 Most Wanted Person sa Region 2.

Naaresto ang suspek batay sa warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa umano’y kaso ng rape, na walang inilaang piyansa.

Sa ulat ng imbestigasyon, ang biktima na tinukoy sa alyas na β€œSophia,” ay menor de edad pa umano nang mangyari ang mga insidente.

Ayon sa salaysay, paulit-ulit siyang pinagsamantalahan ng suspek. Sa isang pangyayari noong April 2024, umano’y pinasok ng suspek ang kanilang bahay habang siya ay nag-iisa, tinakot at saka ginahasa. May nauna pang insidente kung saan sinamantala umano siya habang natutulog noong siya ay mas bata pa.

Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang biktima sa tulong ng kanyang pamilya at mga awtoridad, na naging daan sa paglabas ng warrant laban sa akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Benito Soliven MPS ang suspek para sa dokumentasyon at nakatakdang iharap sa hukuman na naglabas ng warrant.

Facebook Comments