
CAUAYAN CITY- Bahagyang bumaba ang presyo ng bigas sa pamilihang lungsod ng Cauayan City nitong mga nakaraang linggo.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Mary Mauanay, isang tindera ng bigas sa lungsod ng Cauayan City, ang dating ₱1,400 na presyo ng kaban ng bigas ay ngayon nasa ₱950 na.
Dagdag pa niya, naibsan man ang bigat na pasan ng mga mamimili sa presyo ng bigas ay, kabaliktaran naman para sa kaniyang nagtitinda ng bigas dahil hirap na rin siyang mabawi ang gastos niya sa pagbili ng bigas noong mataas pa ang presyo nito.
Bumaba man ang presyo ng bigas, ay nanatili namang matumal ang kanilang benta dahil aniya’y mas marami na ang naglilibot sa mga barrio upang maglako ng produktong bigas at mas tinatangkilik ang mga ito upang makatipid sa pamasahe.










