Oklahoma City Thunders, nagdoble kayod para sa unang panalo laban sa Houston Rockets

NBA – Nagdoble kayod ang Oklahoma City Thunder sa pangunguna ni Rusell Westbrook para makuha ang unang panalo laban sa Houston Rockets sa game 3 ng first-round sa Western Conference Playoff Series.

Sa katunayan, nagposte kaagad si Westbrook ng triple double para maputol ang pamamayagpag ang rockets, 115-13.

Kahit may panibagong triple double performance si Westbrook na may 32 points, 13 rebounds at 11 assists, tumulong naman sa opensa ang kanyang mga kasama.


Si Taj Gibson ay nag-ambag ng 20 points, habang sina Andre Roberson at Victor Oladipo ay mayroong tig-12 points.

Nasayang naman ang big points ni James Harden na may 44 at sumablay ang 3-pointer niya na susi sana sa kanilang panalo.

Nagdagdag din sina Lou Williams ng 22 points at Ryan Anderson ng 18 para sa Rockets.
Nation

Facebook Comments