Friday, March 13, 2026

Ombudsman, kinumpirma ang pag-deputize sa NBI sa pagberipika sa identity ng mga dating tauhan ni Co

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman ang pag-deputize sa National Bureau of Investigation (NBI) para beripikahin ang “identity at background” ng labing walong dating tauhan ni dating Rep. Zaldy Co.

Ang 18 na indibidwal ay nagpakilalang “bagman” ni Co, at sinasabing naghatid ng mga maletang may pera sa iba’t ibang opisyal at politiko.

Sa isang pahayag , sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na mayroong dalawang bagay na ginawa ang kanilang tanggapan patungkol sa kaso.

Una rito ang pakikipag-ugnayan sa NBI para sa beripikasyon ng mga tauhan ni Co, lalo’t magkakaiba ang reports kung sino nga ba sila at saan sila tunay na nagsilbi.

Ikalawa, nagpadala ang Ombudsman ng “letter request” kay Atty. Levi Baligod para mag-produce ng 18 magkakahiwalay na affidavits kung saan naka-detalye ang bawat “narration of facts.”

Layon nito na makapaglabas ng mas tumpak at mapagkakatiwalaang salaysay.

Gaya aniya ng nabanggit ng Ombudsman noon, ang joint narration of facts ay nawawalan ng kredibilidad.

Facebook Comments