Maghahain ng kaso si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Department of Information and Communications Technology o DICT at Facebook, laban sa mga social media account na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kaniyang kalusugan, at sa kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Remulla, tatlong taon na siyang cancer-free, taliwas sa mga kumakalat na maling impormasyon sa social media.
Dagdag pa rito, mistulang ginagamit umano ang social media ng kaniyang mga kritiko, gaya ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte o ng mga akusado sa maanomalyang flood confrol projects ng pamahalaan, para humina at mamantiyahan ang imahe ng tanggapan ng Office of the Ombudsman.
Binigyang diin din ni Remulla, na kailangan nang matigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa ahensya, maging sa kaso ni Romualdez sa Sandiganbayan 3rd Division, dahil nagiging propaganda umano ang ganitong uri ng content para maimpluwensyahan ang opinyon ng publiko.











