Binuksan na ng Supreme Court ang One Stop Shop na siyang didinig sa mga reklamo sa usapin legal.
Ibig sabihin, maaari nang dumulog sa Korte Suprema ang publiko kaugnay sa kanilang mga hinaing sa mga korte sa bansa.
Pinangunahan ng Supreme Court Public Information Office ang pamamahala sa nasabing proyekto katuwang ang Judicial Records office, Fiscal Management and Budget Office and the Office of the Bar Confidant.
Ang Judicial Records Office ay mananatiling may dominant function na may hiwalay na lugar para sa filing ng mga initial pleadings at petitions.
Ang Office of the Bar Confidant naman ay maaaring mag-isyu ng mga certifications tulad ng Bar memberships, ratings, good standing o no pending case, verification and Bar examinations abroad, at tumanggap ng mga administrative cases o reklamo laban sa mga abusadong abogado.
Matatagpuan ang One Stop Shop na ito sa Main Gate ng Supreme Court sa Padre Faura, Malate, Maynila.