Posibleng magkaroon ng one-time big-time educational assistance payout ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ito ay dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga aplikante na nagbabaka-sakaling makakuha ng nasabing tulong mula sa ahensya.
Dagdag pa ng ahensya, ipaprayoridad nila ang mga nasa geographically isolated areas o nasa malalayong lugar na walang kakayahang magparehistro online.
Samantala, lumagpas na sa 400,000 na benepisyaryong target ng ahensya ang nabigyan na ng educational assistance nitong Setyembre 17.
Sa nasabing bilang, pinakamarami ang nakatanggap mula sa kolehiyo, na sinundan naman ng mga estudyante sa elementarya, junior high school at senior high school.
Facebook Comments