
CAUAYAN CITY – Naglunsad ng online orientation ang DSWD Field Office 2 sa mga Persons with Disability o PWDs na kabilang sa programang Cash-for-Work.
Dumalo sa naturang aktibidad ang mga kalahok mula sa iba’t ibang lalawigan sa Rehiyon Dos tulad ng Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.
Sa oryentasyon ay tinalakay ang mga batayan ng pagpapatupad ng nasabing programa sa mga benepisyaryo at binigyang linaw ang mga katanungan ng kalahok kaugnay sa programa.
Ang Cash-for-Work Program ay naglalayong mabigyan ng pansamantalang trabaho at tulong pinansyal ang mga PWD beneficiaries sa loob ng sampung (10) araw.
Facebook Comments