Malacañang, bukas na maamyendahan ang SIM Registration Law sa gitna ng patuloy na paglipana ng online scams

Bukas ang Malacañang sa posibilidad na maamyendahan ang SIM Card Registration Law kung kinakailangan.

Ito’y sa gitna ng patuloy na paglipana ng online scams kahit pa sa gitna ng pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Usec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, may mga loopholes talaga ang SIM Card Registration Law kaya mahalagang mapag-aralan ito ng mabuti.

Hindi rin niya nakikitang epektibo ang pagpaparehistro ng SIM card online dahil kahit sino ay pwedeng bumili at kahit ilang SIM cards ay pwedeng bilhin, kaya madali pa ring makapanloko at mahirap habulin ang mga scammer.

Para kay Castro, mas mainam kung personal na magpaparehistro sa tanggapan ng gobyerno ang may-ari ng SIM card, tulad ng pagkuha ng driver’s license at pagpaparehistro ng sasakyan.

Sa ganitong paraan aniya ay madaling matukoy at habulin kung sino talaga ang may-ari ng SIM card.

Facebook Comments