PORTER NA TULAK NG ILEGAL NA DROGA, NASAKOTE

Cauayan City – Arestado ang isang lalaki sa isang drug buy-bust operation sa NVAT Compound, Brgy. Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek sa alyas “Bando,” 38-anyos, walang asawa, at isang laborer/porter mula sa Tariji, Tarlac.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 1.7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php 11,560, isang P1,000 bill, apat na boodle money na P1,000 bills, isang cellphone, at isang empty plastic sachet.

Ang operasyon ay isinagawa sa pagtutulungan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ng Bambang Police Station, PDEA Nueva Vizcaya, at PDEA Regional Office 02.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments