
Cauayan City – Ikinasa ng COMELEC Cauayan City kahapon, ika-labing isa ng Pebrero ang “OPLAN Baklas” o ang pagtatanggal ng mga campaign posters na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar sa lungsod ng Cauayan.
Ito ay kasabay ng pagsisimula ng Campaign period para sa mga Senatorial Candidates at Party-list organizations.
Katuwang ng COMELEC sa pagsasagawa ng aktibidad ang DPWH Cauayan City, Cauayan City Fire Station, at Cauayan City Police Station – SWAT Team.
Sa aktibidad na ito, pinagbabaklas ng mga awtoridad ang mga election materials na wala sa designated common poster areas na inilabas ng COMELEC Cauayan, at ang mga nakapaskil sa pampublikong lugar na ipinagbabawal kabitan ng anumang campaign materials.
Isinagawa ang pagbabaklas sa kahabaan ng National Highway, mula sa Comelec Checkpoint sa Brgy. Tagaran, hanggang sa National Irrigation Administration sa Brgy. Minante 1, Cauayan City.
Samantala, karamihan sa mga natanggal ng mga awtoridad ay mga campaign posters na nakakabit sa mga poste ng kuryente.