Tuesday, June 2, 2026

Palasyo, naniniwalang inaresto at hindi kusang sumuko si Sen. Estrada

Hindi sumuko kundi inaresto.

Ito ang nilinaw ng Palasyo matapos ang paglalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan kahapon laban kay Senator Jinggoy Estrada dahil sa kasong plunder.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na hindi sumuko si Estrada dahil nauna nang isilbi ang arrest warrant bago nito sabihin na susuko siya sa mga awtoridad.

Iginiit din ni Castro na aarestuhin na si Estrada bago ito humingi ng pagkakataon na makapagbigay ng pahayag sa media.

Naniniwala naman ang Malacañang na hindi naging obstruction of justice ang ginawa ni Senate President Alan Peter Cayetano kahapon nang makiusap itong sa labas na lamang ng Senado basahan ng warrant si Estrada.

Facebook Comments