
Cauayan City – Hindi nakaligtas sa nararanasang pag-ulan sa lungsod ng Cauayan ang pagkasira ng pananim na Cassava sa Brgy. Disimuray, Cauayan City, Isabela.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong Reynaldo Tuppal, kagawad sa nabanggit na barangay, mais at cassava ang pangunahing produkto ng mga magsasaka sa kanilang lugar.
Ayon sa kanya, apektado ang ilang mga magsasaka sa nararanasang pag-ulan sapagkat hindi maiwasan na dahil sa pagkabasa ng lupa dulot ng pag-ulan ay nabubulok ang laman ng cassava na kanilang pananim.
Aniya, karamihan sa mga apektado ay ang mga nakapagtanim ng maaga noong buwan ng Setyembre at hanggang buwan ng Nobyembre.
Sa ngayon, ipinagpapasalamat pa rin nila dahil mayroong natanggap ang mga magsasaka sa kanilang lugar na fertilizer mula sa pamahalaan.