Oplan Disipilina sa Kalsada mas pinalakas ng TMU Cotabato

Nagpapatuloy ang ginagawang mga inisyatiba ng pamunuan ng City PNP sa pamamagitan ng Traffic Management Unit para maibsan o tuluyang matuldukan ang mga nangyayaring krimen sa syudad.

Kaugnay nito , mas pinaigting pa ngayon ng TMU ang kanilang Oplan Disipilina sa Kalsada na naglalayung maidisiplina ang lahat ng mga motorista bukod pa sa mahadlangan ang mga nagbabalak ng hindi magandang gawain ayon pa kay Senior Inspector Rowell Zafra, hepe ng TMU Cotabato sa panayam ng DXMY.

Sinasabing mayat maya na nagsasagawa ng kaliwat kanang mga surprise checkpoint sa ibat ibang sulok ng syudad ang TMU resulta sa pagkakahuli sa ilang mga traffic violators giit pa ni SI Zafra.


Patuloy naman ang pagpapaalala ng TMU sa lahat na maging disiplinado at responsableng mga driver.

TMU Pic

Facebook Comments