Mas pinaigting ng Department of Labor and Employment Regional Office I (DOLE RO1) ang kampanya laban sa child labor sa pamamagitan ng pagsasagawa ng 2nd Quarter 2026 Information and Service Caravan on Child Labor Prevention and Elimination sa lungsod ng Alaminos.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng paggunita sa World Day Against Child Labor 2026 bilang pagpapalawak pa ng kaalaman ng publiko hinggil sa pagpigil at tuluyang pagwawakas sa child labor sa bansa.
Ayon sa DOLE, ang mga ganitong aktibidad ay higit na magpapatibay sa ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholder para maihatid ang mga programang tutugon sa kapakanan, proteksyon, at maayos na pag-unlad ng mga bata.
Ang mga ganitong aktibidad ay panghihikayat ng ahensya sa mas aktibong partisipasyon ng publiko para maprotektahan ang mga kabataan laban sa mapanganib at ilegal na pagtatrabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








