Friday, June 12, 2026

Iba’t ibang aktibidad ngayong Araw ng Kalayaan, pangungunahan ni PBBM

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12.

Nagsimula ang programa ngayong umaga sa pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa Bantayog ni Gat Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila.

Sabay-sabay ring isasagawa ang flag-raising ceremonies sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang panig ng mundo.

Alas-8:00 naman ng umaga, ay magkakaroon ng Independence Day Parade sa Quirino Grandstand.

Pagtuntong ng alas-5:00 ng hapon, dadalo si Pangulong Marcos sa tradisyunal na Vin d’Honneur sa Malacañang Palace kung saan makikibahagi ang matataas na opisyal ng pamahalaan, diplomats at iba pang panauhin.

Isinasagawa ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong taon sa temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”

Facebook Comments