
Pinaumulta ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit P11 milyon ang may-ari ng gumuhong 9-storey under-construction building sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga na si Ernest Jackson Lim at Golden Years Construction and Steel Works Corporation.
Kung maalala nasa 30 katao ang nasawi sa paggulo ng naturang gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
Lumalabas sa fact-finding investigation na isinagawa sa panukalang 9-Storey Commercial na may dalawang roof deck at pool sa B5, L7-8, Teodoro corner Oak Streets, Balibago, Angeles City na maraming paglabag ang kumpanya.
Kabilang na rito ang P102,798.50 na kumakatawan sa hindi naibigay na sahod noong umiiral ang work stoppage order, kulang na pasahod, hindi binayarang rest day premium at hindi ibinigay na holiday pay para sa 57 na construction workers.
Sinabi ni DOLE Acting Sec. Francis Tolentino, may 10 araw ang respondent para magbayad.
Nagbabala si Tolentino na kapag hindi sila nagbayad ay gagawa na ng ligal na hakbang ang DOLE para maipatupad ang kautusan.
Ang P10,324,000 na multa ay ipinataw naman base sa Department Order No. 252, Series of 2025.
Bahagi ito ng resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DOLE sa insidente na ikinasawi ng 30 katao.
Dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Mayo 24 nang nagapan ang malagim na insidente.










