
Iginiit ni Senator Alan Peter Cayetano na nakuha ng Gatchalian faction ang 13 na bilang para maging mayorya dahil sa pananakot, panunuhol at bantang ipakukulong ang mga senador.
Ito ang sinabi ni Cayetano sa kanyang Facebook live kagabi sa gitna na rin ng inaasahang special session ng Kongreso ngayong araw.
Binati ni Cayetano ng “congratulations” ang Gatchalian Bloc dahil sinasabing may trese na silang bilang para makabuo ng mayorya at makapaghalal na ng bagong Senate President kapalit niya.
Pero idiniin ng mambabatas na may kasamang pananakot ang pagkakaroon ng Gatchalian bloc ng 13 bilang.
Ipinauubaya naman ni Cayetano kung kukunin na sa kanya ang Senate Presidency at ang lahat ng komite pero may hiling ito na iwan sa kanilang grupo ang Senate Blue Ribbon Committee para sa pagpapatuloy ng paghahanap ng katotohanan sa maanomalyang flood control projects.
Samantala, kahapon ay naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang siyam na senador ng Cayetano bloc para ipawalang bisa ang balasahan sa liderato at ang sesyon noong June 3.










