Handa na ang LTO-12 para sa Oplan Ligtas Biyehe ngayon Semana Santa na masusing magmonitor at paalalahanan ang mga motorista na bibiyahe ng malayuan na pupunta sa kanilang mga probinsya para doon gunitain ang HolyWeek. Ayon kay LTO-12 Chief for Operations Sir Papacan Pacalundo, nagpakalat na siya ng mga enforcer sa mga terminal ng Bus at Van at sinusuri ang mga sasakyan kung kumpleto na ito sa mga papeles at kung kondisyon din ba ang unit. Handa rin silay tumulong sa mga masisiraan sa kalsada kung saan sa lahat ng probinsya sa region 12 ay meron nakatuka sa mga highway.Sinabi pa ni Sir Pacalundo na ngayong araw ay inaasahan nila ang pagdagsa ng mga pasahero sa terminal makaraang ideneklara kahapon ni Pangulong Duterte na holiday ang kalahating araw ngayon,.Magtatagal ang Oplan Ligtas biyahe montoring hanggang sa April 2.
Oplan Ligtas Biyahe ng LTO-12 umarangkada na
Facebook Comments