Tuesday, November 24, 2026

LIBRENG TATLONG ARAW NA SOCIAL MEDIA MARKETING TRAINING, ISASAGAWA SA SAN CARLOS CITY

Magsasagawa ang San Carlos City Library ng libreng tatlong araw na Social Media Marketing Training mula Nobyembre 24 hanggang 26, 2026, para sa mga kwalipikadong residente ng San Carlos City, Pangasinan.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng karagdagang kaalaman at praktikal na kasanayan ang mga may-ari at namamahala ng Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs sa epektibong paggamit ng social media upang mapalago ang kanilang negosyo at maabot ang mas maraming mamimili sa digital marketplace.

Nililimitahan sa 20 kalahok ang training na bukas para sa mga residente ng lungsod na edad 18 pataas, may-ari o namamahala ng negosyo, at handang dumalo sa buong tatlong araw na pagsasanay.

Hinihikayat ang mga kwalipikadong negosyante na makilahok sa naturang pagsasanay upang higit na mapahusay ang kanilang kaalaman sa digital marketing at mapalakas ang kanilang negosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments