Saturday, November 21, 2026

Speaker Dy, hinikayat ang ASEAN lawmakers na isakatuparan ang 36 AIPA resolutions

Hinikayat ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga mambabatas sa mga bansang kabilang sa Southeast Asia na isakatuparan ang 36 na resolution na nabuo sa idinaoas na ika-47 na General Assembly ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).

Ayon kay Dy, ang nabanggit na mga resolusyon ay pwedeng tuparin sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas, pagtukoy ng nararapat laanan ng pondo, at iba pang aksyon ng Kongreso para sa kapakanan ng mamamayan.

Mensahe ito ni Dy sa pagtatapos ng tatlong araw na assembly ng AIPA kung saan sya ang nagsilbing Pangulo.

Kaugnay nito ay hiniling ni Dy ang pagpapalakas sa paraan ng AIPA ng monitoring at reporting ng kanilang progreso para matiyak na ang kanilang mga pangako ay mapapakinabangan ng mamamayan.

Ikinumpara din ni Dy ang mga nabuong resolusyon sa palay, na kailangang bayuhin at isaing upang mapunta sa hapag kainan ng taumbayan at matiyak na mapapakinabangan nila.

Facebook Comments