Ilang araw nang nakapagtatala ng mataas na heat index sa lalawigan ng Pangasinan, na pumapasok sa kategoryang “Extreme Caution.”
Dahil dito, nahihirapan ang mga namamasada na manatili sa kalsada, partikular ang mga tricycle driver, gaya ni Fidel Guba, na limitado rin ang oras ng pamamasada dahil sa ipinatutupad na mahabang rotational schedule ng mga tricycle.
Ayon kay Guba, ilang araw na rin siyang nagbabawas ng oras sa pamamasada at pinipili na lamang na magpahinga tuwing matindi ang sikat ng araw.
Bumabalik na lamang umano siya sa pamamasada pagsapit ng hapon, kapag hindi na gaanong tirik ang araw. Dagdag pa niya, mas mahirap ang ganitong sitwasyon dahil sa kaniyang edad.
Sa kabila nito, patuloy pa rin sa pamamasada ang mga tricycle driver upang kumita at matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










