Otoridad sa Cot.City nakaalerto parin sa banta ng Terorista

Wala paring pagbaba sa ipinapatupad na seguridad sa cot.city, ito ang sinabi ni city pnp director police sr.supt.victor valencia sa panayam ng RMN..
Anya mananatili ang mahigpit na chokepoint sa mga entrance at exit ng siyudad habang umiikot naman ang city public safety company katuwang ang task group kutawato.
Inihayag ni col.Valencia na meron mga operation na ginagawa ang AFP sa Maguindanao at lanao del sur kung kayat hindi daw pwede magkumpiansa dahil naiipit na ang mga terorista.
Hindi umano niya hahayaan na makapasok dito sa cot.city ang mga isis inspired group kayat muli nitong pinaaalahanan ang mga barangay tanods at BPAT na palakasin ang kanilang ronda lalo nasa gabi.

Facebook Comments