P300 diskwento para sa PhilHealth Members sa SM Supermalls

Magandang balita sa lahat ng PhilHealth members!

Sa darating na Pebrero 21, 22, at 23, 2025, ay magkakaroon ng PhilHealth Member’s Day sa lahat ng SM Stores sa buong bansa! Ito ay special treat na hatid ng PhilHealth at SM sa
paggunita ng National Health Insurance Month.

Ipakita lamang ang inyong PhilHealth ID at kung aabot sa P3,000 ang single-receipt
purchase niyo o higit pa, makakakuha kayo ng P300 discount!

Huwag palampasin ang espesyal na pagkakataong ito! Bisitahin ang
facebook.com/PhilHealthOfficial o smsupermalls.com para sa karagdagang impormasyon.

Facebook Comments