BAYAN NG CABATUAN, NAGSAGAWA NG UNITY WALK AT PEACE COVENANT SIGNING

Cauayan City – Isinagawa ang Unity Walk at Peace Covenant Signing upang tiyakin ang isang ligtas, tapat, at maayos na Pambansa at Lokal na Halalan (NLE) na pinangunahan ng PNP Cabatuan.

Sinimulan ang programa sa isang Unity Walk bilang simbolo ng pagkakaisa para sa mapayapang eleksyon at sinundan ito ng isang Interfaith Rally.

Pinangunahan naman ni COMELEC Officer Ruth R. Barangan ang panunumpa ng mga kandidato sa Oath of Integrity Pledge at nilagdaan ng mga kandidato ang Candidates’ Manifesto.

Ito’y bilang tanda ng kanilang pangakong makipagtulungan sa isa’t isa, sa kanilang mga tagasuporta, at sa mga botante upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon.

Facebook Comments