Naging sentro ng pagsasanay sa Santa Maria, Pangasinan ang pagsusulong ng labor compliance at kaligtasan ng mga manggagawa sa maliliit na negosyo sa bayan noong Nobyembre 25.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng Technical and Advisory Visit (TAV) orientation at First Aid training ng DOLE Regional Office 1 kung saan nagtipon ang micro-establishments na may isa hanggang siyam na manggagawa.
Kabilang sa mga inilatag ang labor standards, occupational safety and health regulations, at social welfare compliance.
Tinutukan din ang pagtuturo ng praktikal na pagresponde sa emergency sa workplace gamit ang first aid.
Ginanap ang aktibidad sa Yellow Building sa Santa Maria mula alas-otso ng umaga, kung saan nakilahok ang ilang establisyimento. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









