P550,000 na idineposit sa account ng self-confessed gunman na si Joel Escorial bilang bayad sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid, kinumpirma ng AMLC

Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may P550,000 ngang nai-deposit sa account ng self-confessed gunman na si Joel Escorial sa Percy Lapid slay case.

Ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, batay sa AMLC, idineposit ang P550,000 ng makakaibang indibidwal sa pamamagitan ng tatlong hulog sa loob ng tatlong linggo.

Nakatakda aniya ipaliwanag ng National Bureau of Investigation ang iba pang detalye sa Lunes.


Si Escorial ay sumuko sa mga otoridad at umaning binayaran siya ng P550,000 para patayin ang mamamahayag na si Percy Lapid o Percival Mabasa sa totoong buhay.

Itinuro nito ang namatay na middleman na si Jun Villamor na kumuha sa kanyang serbisyo.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng DOJ upang matukoy ang mastermind at iba pang sangkot sa pagpaslang kay Lapid.

Facebook Comments