Ang PAF – TOG1 helicopter na lumipad mula sa Loakan Airport sa Baguio City ay sasalok ng tubig mula sa Binga Dam sa Itogon, Benguet at ihuhulog ito sa mga apektadong lugar ng sunog sa kagubatan sa Itogon.
Matatandaan na may sumiklab na malawakang forest fire sa nasabing lugar noong Disyembre 22, 2022.
Sa ulat ng BFP-CAR, hindi bababa sa 200 ektarya ang naapektuhan ng sunog sa Itogon at 150 ektarya pa sa Bokod at patuloy na lumaki ang apoy dahil sa malakas na hangin.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy parin ang imbestigasyon nila upang matukoy ang sanhi ng nasabing sunog.
Ang operasyon ay sa pamamagitan din ng koordinasyon ng CRDRRMC kasama ang SN Aboitiz Power Benguet at ang Local Government Unit at ang DRRM Councils ng probinsya ng Benguet, at ang mga munisipalidad ng Bokod at Itogon.