
Mariing binatikos ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas ang pag-transfer sa National Treasury ng ₱60 billion na sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Nakakagalit para kay Brosas na ginawa ito sa harap ng hindi pa nababayarang claims ng mga ospital, mga doctor, at mga pasyente.
Pahayag ito ni Brosas makaraang aminin ni PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. sa oral argument sa Supreme Court na ginawa ang paglilipat ng pondo sa National Treasury kahit hindi pa nakakabayad ang PhilHealth sa mga claims dito.
Giit ni Brosas, ito ay malinaw na pagtataksil sa mamayang Pilipino na napupwersang magbigay ng contribution sa PhilHealth kahit kaunti lang ang benepisyong nakukuha nila at kakarampot din ang deduction sa kanilang bayarin sa ospital.