PNP, iginiit na lehitimo ang pagkakasagip sa estudyanteng dinukot sa Taguig

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang pagkakasagip nila sa 14 na taong gulang na estudyante na dinukot noong February 20, 2025 sa Taguig.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, walang katotohanan ang lumabas na balita na ‘orchestrated’ umano ang pagkaka ‘rescue’ sa estudyante.

Pinabulaanan din nito na may ibinigay na $1 million na ransom sa mga dumukot sa biktima.

Sinabi pa ni Fajardo na may very good lead nang sinusundan ang mga awtoridad para mahanap ang mga suspek.

Hindi rin aniya makaaapekto ang pagbawi ng relief order kay Anti-Kidnapping Chief PCol. Elmer Ragay, kahit nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Matatandaang pinawalang bisa ang suspensyon kay Col. Ragay bilang pagtalima sa Commission on Elections (COMELEC) resolution na nagbabawal ng transfer ng government officials sa panahon ng halalan.

Facebook Comments