Inaasahang masisimulan na sa katapusan ng Mayo ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority list o ang mga essential frontliners at A5 priority list o ang indigent population.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., bubuksan ang pagbabakuna sa mas nakararami base na rin sa rekomendasyon ng business sector, mga opisyal ng gabinete at mga senador.
Aniya, nasa 12.8 milyon ang target population sa essential workers habang 16 milyon naman ang nakalista na indigent population.
Paliwanag ni Galvez, ang ibibigay na bakuna sa mga nasa A4 ay ang binili ng gobyerno habang ang mga nasa A5 ay magmumula sa COVAX Facility.
Sisimulan naman ang pagbabakuna sa general public sa August o sa September.
Facebook Comments