Pagbalik sa ₱2-bilyong pondo ng OVP, motibo ng pagsira sa 2025 national budget

Tahasang binatikos ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega ang isiniwalat ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may mga blangko sa 2025 national budget.

Diin ni Ortega, fake news o hindi totoo at maling impormasyon ang sinasabi ng dating pangulo na ang motibo ay maibalik ang ₱2-bilyong pondo para sa tanggapan ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Magugunitang tinapyasan ng Kongreso ang budget ng Office of the Vice President (OVP) ngayong taon kaya mula sa P2 bilyong budget noong 2024 ay ibinibaba ito sa P733 milyon.


Giit ni Ortega, sumailalim sa masusi at konstitusyunal na proseso ang 2025 budget bago ito pinirmahan ng Pangulo upang maisabatas.

Tiwala naman si Ortega na mas maalam na ang mamamayan ngayon at hindi na paniniwalaan ang lumang istilo na paggamit ng internet troll para magpakalat ng kasinungalingan.

Facebook Comments