
Sumampa na sa 308 ang nakumpiskang baril kasunod ng umiiral na election gun ban sa bansa.
Sa panayam ng DZXL – RMN Manila kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, pinakamaraming nakumpiska ay mula sa National Capital Region (NCR), na sinundan ng Region 3 at 7.
Umabot na rin aniya sa 303 ang naarestong lumabag sa gun ban kung saan mayorya ng mga nahuli ay sibilyan.
Sa ngayon, nakapagsagawa na ng 76,000 checkpoints ang PNP sa buong bansa.
Facebook Comments