Barko ng China Coast Guard, tinangka na lumapit sa baybayin ng Zambales

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tangkang paglapit pa ng barko ng China sa kalupaan ng bansa.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, matagumpay na napigilan ng BRP Cabra ang Chinese Coast Guard Vessel na may bow number na 3103 na lumapit sa coastline ng Zambales.

Sa ngayon, nasa layong 80 hanggang 90 nautical miles ang layo ng CCG-3103 sa baybayin ng Zambales.


Patuloy naman ang oras-oras na radio challenge ng PCG upang ipaalala sa mga ito ang kanilang paglabag sa international law sa pananatili sa loob ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas.

Ayon sa PCG, patuloy nilang babantayan ang mga teritoryo ng Pilipinas nang hindi umaabot sa paglala ng tensiyon.

Facebook Comments