Tuesday, November 10, 2026

Liderato ng Kamara, tiniyak ang pagtutok sa mga hakbang kaugnay sa El Niño

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang patuloy na pagtutok ng Kamara sa mga hakbang kaugnay sa pagtama sa bansa ng Super El Niño upang matukoy kung kailangan ng dagdag na pondo at suporta hinggil dito para sa taong 2027.

Sabi ni Dy, bahagi ito ng hangarin ng Kamara na matulungan ang sektor ng agrikutura, lalo na ang ating mga magsasaka at mangingisda na labis na apektado ng matinding tagtuyod.

Ayon kay Dy, tugon din ito ng Kamara sa mga magsasaka at mangingisda na dumulog sa Kamara hinggil sa epekto sa kanilang kabuhayan ng nararanasang tagtuyot.

Diin ni Dy, agarang tulong at hindi puro plano at pangako ang dapat sagot sa mga problemadong magsasaka at mangingisda na pangunahing nakakaramdam sa bigat ng epekto ng El Niño.

Facebook Comments