Pagbili ng mga rapid test kits para sa nCoV, dapat iprayoridad ng DOH

Iginiit ni Senator Francis Tolentino sa Department of Health (DOH) na iprayoridad ang pagbili ng mga rapid test kits sa halip na gumastos ng malaki para bumili ng hazardous material (hazmat) suits.

Inihalimbawa ni Tolentino ang Jiangsu Province ng China na nakapagdevelop ng “rapid nucleic test kit” na kayang makadetect ng Novel Coronavirus (nCoV) sa loob ng 15-minuto.

Dismayado si Tolentino na hanggang ngayon ay wala pa ring rapid test kit ang DOH at inaasahan lang nito ang dalawang primer na ipinahiram ng Japan.


Ginawa ni Tolentino ang pahayag makaraang aprubahan ni President Rodrigo Duterte ang Php 2.25 billion budget para sa DOH na target gamitin sa pagbili ng personal protective equipment para sa mga health care workers.

Ipinaliwanag ni Tolentino kung mabilis nating malalaman kung sino ang infected ng nCoV sa pamamagitan ng mga rapid test kits ay mas magiging madali ang pagkontrol nito na tiyak na magdudulot ng kapanatagan sa publiko.

Facebook Comments