Pinaghahandaan na ng Pangasinan Police Provincial Office ang muling pagbisita ng PNP Chief of Police na si PGen. Benjamin Acorda Jr. sa lalawigan ng Pangasinan partikular na sa bayan ng Lingayen ngayong araw ng Lunes.
Layunin ng pagbisita ng pinakamataas na opisyal ng PNP ay dahil si PGen. Acorda Jr. ang magsisilbing panauhing pandangal sa isasagawang seremonya ng pagtatayo ng kauna-unahang Day Care Center ng Pangasinan PPO para sa mga batang magnanais pumasok sa pagkapulis.
Magsisimula ang programa mula alas 9:30 ng umaga sa Plaza ng Lingayen para sa isasagawang Arrival Honors ng Chief PNP kasunod nito ang makasaysayang pagpirma nito sa guestbook ng PNP Pangasinan para sa opisyal nitong pagbisita sa lugar.
Sa ikalawang parte ng programa ay isasagawa na ang Ceremonial Ground Breaking ng nasabing itatayong pasilidad.
Sa ikatlong parte naman ng programa ay pangungunahan ni Rev. Fr. Christian Joy Bataoil ang maikling programa para sa mithiing maging tagumpay ang aktibidad at susundan ito ng welcome remarks ng PNP Pangasinan Director PCol. Jeff Fanged at iba pa
Samantala, matatandaang ito na ang ikalawang pagbisita ng pinakamataas na opisyal sa lalawigan ng Pangasinan matapos itong maging Guest of Honor and Speaker sa isang Graduation Rites ng isang unibersidad sa bayan ng Malasiqui na ginanap naman sa Dagupan City noong ika-siyam ng Hunyo.
Sa ngayon, inaasahan na dadagsain ang naturang programa at aktibidad.

Facebook Comments