Pagdelay ng 2019 budget, may epekto sa ekonomiya

Ikinakabahala ni Senator JV Ejercito ang negatibong epekto sa galaw ng ekonomiya ng pagkadelay ng 2019 budget na hanggang ngayon ay hindi pa naipapadala sa malakanyang para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Ejercito, may mga infrastructure projects na mainam na isagawa mula January hanggang Mayo o panahon ng tag-init.

Paliwanag ni Ejercito, mahihirapan nang ikasa ang mga construction works kung aabutin ng tag-ulan ang paggamit sa 2019 budget.


umaasa din si Ejercito na hindi totoo ang ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson na pagmanipula ng kamara sa 25-million pesos na pondo para sa health facilities enhancement program ng Department of Health.
Diin ni Ejercito, pinangunahan nya ang pagpapaloob ng nabanggit na pondo sa DOH dahil mahalaga ito sa pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Facebook Comments