Paggamit ng Digital Platforms Kontra COVID-19, Malaki ang Maitutulong- City Mayor Bernard Dy

Cauayan City, Isabela- Naniniwala ang alkalde ng Lungsod ng Cauayan na malaki ang maitutulong ng teknolohiya sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay si City Mayor Bernard Dy, limang taon na aniyang ginagawa ng City Government ang paggamit sa digital platforms para sa mas convenient na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Inihalimbawa nito ang pagpapatupad ng ‘No QR Code, No Entry’ para sa mga taong papasok sa mga establisyimento mula sa dating ginagawa na pagkuha ng quarantine pass sa barangay na ipinapakita sa pupuntahang lugar.


Ang pagpapatupad ng ‘QR Code’ sa Lungsod ay bahagi at tulong na rin sa contact tracing at health monitoring ng mga kinauukulan.

Ayon pa sa alkalde, mabilis ang naging pagtanggap ng mga residente sa Lungsod sa paggamit ng QR Code dahil dati nang nakagawian ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng teknolohiya gaya ng online registration para sa mga nasa business sector.

Kaya’t bago pa nagkaroon ng pandemya ay nasanay na ang mga residente sa Lungsod na gawing online ang lahat ng mga transaksyon.

Facebook Comments