Pagkatalo sa impeachment laban kay COMELEC Chair Bautista, pansamantala lang ayon kay Atty. Kapunan; Kampo ng mga complainant, sumaklolo na sa NBI

Manila, Philippines – Humingi na ng tulong ang kampo ng asawa ni COMELEC Chairman Andres Bautista na si Tish Bautista at ang abogado nitong si Atty. Lorna Kapunan sa National Bureau of Investigation.

Ayon kay Kapunan, ang pagkatalo nila kanina sa impeachment hearing laban sa COMELEC Chairman ay temporary o pansamantala lamang.

May iba pang venue para mapanagot si Bautista at ito ay ang paghahain ng plunder case batay na rin sa kalalabasan ng imbestigasyon ng NBI.


Positibo si Kapunan na ang lahat ng documentary at verified evidence ay magtuturo sa plunder case partikular na sa ill-gotten wealth ni Bautista na aabot sa 1.2 Billion pesos.

Samantala, minaliit naman ng asawa ni Bautista na si Tish ang desisyon kanina ng Committee on Justice na insufficient in form ang reklamo.

Aniya, maliit na balakid lamang ito at umpisa pa lang ng kanilang laban para sa katotohanan.

Facebook Comments