PAGKUKUMPUNI NGMGA SIRANG FLOOD GATES, CONCRETE DIKE, AT PAGTATANGAL NG MGA HALAMAN AT BASURA,KABILANG SA INAASAHANG REHABILITASYON NG MARUSAY-PANTAL RIVER

Isinagawa ang inspeksyon sa Marusay–Pantal River sa bayan ng Calasiao, Pangasinan, upang suriin ang kalagayan ngilog at matukoy ang mga posibleng dahilan ng pagbaha sa ilang barangay na sakop ng nasabing daluyan ng tubig.

Pinangunahan ang pag-iikot ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, kasama si Calasiao Mayor Patrick Caramat at ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.

Batay sa isinagawang inspeksyon, kabilang sa mga kailangang tugunan ang pagkukumpuni ng mga sirang flood gate at concrete dike, gayundin ang paglilinis sa ilog at pagtanggal ng mga halaman, ilegal na istruktura, at basura na maaaring humarang sa maayos na daloy ng tubig.

Kaugnay nito, hihiling ng agarang tulong sa pambansang pamahalaan para maisagawa ang kinakailangang rehabilitasyon at mga hakbang upang mabawasan ang panganib ng pagbaha sa mga apektadong lugar.

Hinimok din ang mga residente na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga ilog at iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbabara.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga mamamayan at lokal na pamahalaan upang mapangalagaanang mga ilog at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments