
Hiniling ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na palawakin ang outpatient coverage nito para sa dialysis at iba pang paraan ng paggamot sa mga may sakit sa bato o kidney.
Ang panawagan ni Yamsuan sa Philhealth ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 6310 na layuning mapigilan o agad matukoy ang chronic kidney disease (CKD).
Tugon ang panukala ni Yamsuan sa tumataas ng bilang ng mga Pilipino mula sa edad na 20 hanggang 59 na tinatamaan ng CKD batay sa record ng Philippine Renal Disease Registry.
Sa ilalim ng panukala ni Yamsuan ay sasagutin ng Philhealth ang lahat ng gastos para sa maintenance, dialysis, gamot, professional fees ng mga doktor at bayarin sa ospital ng mga CKD patients.










